Uncategorized

Congratulations Irregular Students!

 

9F724B7B-2F12-454C-9624-D7E9B161CE67.jpg

First of all, congratulations irregular students for finishing your degree in the not-so-common-way! I salute you!

Di ko alam anong rason mo bakit naging irreg ka. Posibleng dahil shifter ka, nagstop ka tapos nag decide ulit na mag-aral, transferee, may bagsak na subject o late enrollee na naubusan ng slot. Pero kahit ano pang naging dahilan ng pagiging irreg mo, ang importante eto na…natapos mo na.

So allow me to congratulate you for 7 reasons on why you deserve this sweet victory of yours.

1. Congratulations for surviving long breaks!

3hrs, 5hrs, minsan umaabot pa hanggang 8hrs break. Sa sobrang haba ng mga breaks mo nakagawa ka na ng mga assignments mo, naka-kaen kana, nakapag review kana din para sa mga exams/quizzes mo, nakapag gala ka na din. Madalas tambayan mo ang library pero di para magbasa kundi para maka-idlip. Lalo na kung malayo ang bahay mo sainyo, sayang ang pamasahe kung uuwi kapa kaya hihintayin mo nalang ang next subject. Pero dahil dito natutunan mong ma-appreciate na paminsan-minsan, okay naman pala ang mag-isa — mag isang kumakaen, umiikot sa mall, nag rereview, at kung anu-ano pa.

2. Congratulations for learning to work independently!

Ang hassle minsan dahil irreg ka, conflict ang schedule mo sakanila kapag nagse-set sila ng practice para sa mga group activity. Okaya pag sinabi ng prof “choose your own group”, wala kang ma-choose dahil may mga sarili na silang groups. Kaya madalas mas gusto mong mag individual work nalang dahil ayaw mo ding maging pabigat sakanila ang situation mo bilang isang “irreg”.

3. Congratulations for being Mr. and Ms. Congeniality!

May klase ka sa halos lahat na yata ng year level at iba-ibang course pa. Kaya tuwing naglalakad ka sa hallway kabilaan ang pag hello mo sa mga classmates mo. Sobrang dami mong kilala pwede kana atang humabol ng CSC. At bawat section may nickname sila sayo.

4. Congratulations for being understanding!

Being understanding pag hindi ka na-inform na lumipat pala kayong room. Akala mo tuloy walang pasok dahil wala sila sa usual room niyo. O di kaya pag hindi ka nainform na di pala papasok ang prof nyo. Being understanding pag hindi ka nasabihan na may quiz pala kaya dahil tinext lang sakanila ng prof nyo. Dahil nga irreg ka, minsan nalilimutan mong kunin ang number ng president nila para ma-update ka. O di kaya, yung mga lecture niyo na powerpoint na wala kang copy dahil pinost nila sa fb group ng section nila, pero nalimutan ka nilang i-add.  Pero imbes na magalit ka sakanila, mas pinili mong intindihin nalang dahil, siyempre, oo nga pala. Irreg ka, block section sila.

5. Congratulations for being brave!

Sa pagiging matapang mo kahit na minsan nakaka-op (out of place) na lalo na kung ibang course sila, pero pumapasok kapa din. Sa pagiging matapang mong mag recite kahit nahihiya ka sakanila dahil nga di mo naman sila ka-close. Sa pag-report mo sa harap kahit nangangatog ang tuhod mo sa kaba. Okaya naman madalas akala nila masungit ka dahil di ka nag-approach pero di nila alam nahihiya ka lang talaga.

6. Congratulations for fighting for what you really love!

Tulad nga nung sinabi ko, iilan sa mga rason kung bakit naging irreg ka, pwedeng dahil nag stop ka, shifter, bumagsak o late enrollee na naubusan ng slot. The fact lang na tinuloy mo padin ang mag-aral kahit magiging “irregular” student ka, isang malaking achievement na yon. Dahil at the end of the day, pinili mo paring ipaglaban kung ano talaga ang gusto mo despite of all the consequences you might face. Kaya nga nag shift ka padin kahit malelate ka ng ilang sem or minsan ilang years pa sa mga ka-batchmate mo talaga, kesa nag stay ka sa course na di mo naman talaga gusto. Kaya nga tinake mo ulit yung subject na yun kahit bumagsak kana kasi di ka quitter! Ok lang umulit, at least dika sumuko. Kaya nga tinuloy mo padin mag-aral kahit may work kana, dahil gusto mo talagang maging trabaho ang pangarap mo. Congrats dahil di ka naging duwag ipaglaban ang gusto mo.

7. And lastly, congratulations for not giving up!

Kahit huli tayong nag-eenroll, dahil una muna daw ang block section. Kahit minsan kelangan natin mag cross enroll sa ibang course dahil wala ng slots sa college natin. Kahit minsan di tayo kilala ng mga classmates natin dahil nasa likod lang tayo at tawag nila satin “si ateng irreg/si kuyang irreg”. Kahit kelangan mong mag adjust every semester dahil iba-iba nanaman mga classmate mo. Kahit wala kang permanent circle of friends sa college life mo o madalas sama-sama tayong #TeamIrreg. Kahit na minsan disqualified tayong maging DL/PL dahil kulang ang mga units natin. Kahit na iba ang trato satin ng mundo. Hahahaha! At kahit anong hirap pa ang dinanas mo bilang isang “irreg”, eto ka ngayon… hawak na ang diploma mo, dahil hindi ka sumuko.

Kahit na hindi ganon ka-dali ang mga pinag daanan bilang irreg, ang dami naman nating natutunan that we can say, it molded us to be a better person now. 

Isa kang alamat!

Kudos Irregular Student!

You deserve this triumph! I celebrate with you.

Love,

Untitled

(was also an irregular student)

Advertisements

2 thoughts on “Congratulations Irregular Students!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s